Saturday, May 27, 2017
politiko-politics-ph-logo

1.4 million devotees attended Traslacion, command center says

Tinatayang mahigit sa 1.4 milyong katao ang sumama sa Translacion ng Black Nazareno sa Maynila habang ipinagpapatuloy ang Traslacion patungo sa Quiapo Church.

Ayon sa Quiapo Church Command Center, ang inisyal na crown estimate ay naitala bandang alas-3:00 ng hapon.

Mahigit naman sa 41,000 devotees sa bisinidad ng Quiao Church o ng Minor Basilica ng Black Nazarene.

Sa hiwalay na report naman ng National Capital Region Police Office, inihayag nitong 1.35 milyong debote ang nakibahagi sa Traslacion.

Sa pagtataya ng NCRPO dakong alas-3:00 ng hapon, 1.15 milyon debote ang nasa front end ng prusisyon habang 200,000 naman ang mga nasa gilid-gilid.

Samantala, sinabi naman ng commander center na posivbleng matapos ang Traslacion bago maghatinggabi dahil mabilis aniya ang galaw ng prusisyon.

Sa mga nagdaang Traslacion, madalas umaabot sa madaling araw ang tagal ng prusisyon bago ito maibalik sa Quiapo Church.

Bandang alas-4:43, nasa habagi na ng Carlos Palanca ang anda ng Black Nazarene.

Samantala, tinawag naman ni PNP chief Dir. Gen. Ronald de Rosa na “so far so good” ang sitwasyon sa isinasagawang Traslacion sa lungsod ng Maynila.

Ito’y sa kabila nang sinasabing banta ng panggugulo ng ilan sa mga teroristang grupo.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.