Tuesday, April 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Erap asks Black Nazarene devotees: “Observe ‘trash-less’ Traslacion”

Huwag magkalat sa prusisyon!

Iyan ang panawagan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa publiko, partikular na sa mga deboto ng Nazareno na lalahok sa Traslacion sa Lunes.

Aniya, iwasang magkalat at panatilihing malinis ang kapaligiran bago at matapos ang prusisyon.

Ayon pa sa alkalde malaking tulong sa pamahalaang lungsod kung ang mga deboto, pati na ang mga vendors at lahat ng sasali sa Traslacion, ay magkakaroon ng tamang disiplina sa pagtatapon ng basura.

“Let’s make this solemn feast of the Black Nazarene more meaningful by keeping our environment clean. We should refrain from carelessly throwing our garbage anywhere for it spoils the spirit of this revered tradition,” ani Estrada.

Nagkataong National Zero Waste Month pa ang buwan ng Enero, base sa Proclamation No. 760 na nilagdaan ng dating Pangulong Benigno Aquino III noong Mayo 15, 2014.

Inatasan na rin ni Estrada ang Department of Public Services (DPS) ng city hall na piliting makuha nito ang target na zero waste ngayong Traslacion.

Tiniyak din nitong may mga portalet na ilalagay sa ruta ng prusisyon at mga basurahang pagtatapunan ng kalat ng mga deboto.

Hiniling pa ni Estrada sa mga doboto na huwag dumura sa kalye lalo na sa paligid ng Quiapo Church.

Noong nagdaang taon, umabot ng 400 tonelada ng basura ang nakolekta ng pamahalaang lungsod sa mga kalsadang dinaanan ng Traslacion.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.