Friday, May 26, 2017
politiko-politics-ph-logo

Traslacion 2017: Erap orders road clearing, anti-crime ops along procession route

Iniutos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang malawakang clearing operation sa ruta ng prusisyon ng Black Nazarene na gagawin sa Lunes.

Nagsagawa na rin ng anti-criminality operation ng Manila Police District (MPD) para masigurong ligtas ang milyong debotong lalahok sa Traslacion.

“Gusto nating ligtas ang lahat at maging mapayapa at maayos ang prusisyon, at mabawasan kahit papaano ang perwisyo sa trapiko ng mga motorista at mananakay,” sabi Estrada.

Ayon kay City Engineer Rogelio Legazpi, mahigit 600 katao ang nagsasagawa ng clearing operation, na nakapokus sa paligid ng Quiapo Church tulad ng mga kalye ng Villalobos, Carlos Palanca, at Hidalgo.

“Pinaalis natin ang mga vendors. Inaalis natin ang mga nakahambalang na istraktura at pati na rin mga illegal terminals,” pahayag ni Legazpi.

Sinuri na rin ang mga walang takip na drainage at manhole at mga nakaladlad na mga linya ng kuryente na maaaring makasakit ng mga deboto.

Binatak din ang ilang mga illegally parked na sasakyan.

Magpapakalat din ng mga street sweepers sa Lunes para agad na malinis ang kalye na dadaanan ng prusisyon.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.