metromanila.politics.com.ph

QC business tax payment extended

0 112

Nanawagan si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga taxpayers ng lungsod, lalo na iyong magre-renew ng kanilang business permits at licenses, na samantalahin ang extended business days at hours sa mga tanggapang may kinalaman sa tax assessment at payments.

Ang extended working days and hours ay nangangahulugan na bukas ang lahat ng revenue-generating officies ng city hall simula 8 a.m. hanggang lagpas ng 5 p.m. sa weekdays.

Bubuksan din ang mga nabangging na tanggapan sa Sabado at Linggo hangga’t may taxpayers na magbabayad.
“Offices will also be open on Saturdays and Sundays for as long as there are taxpayers to be served,” sabi ni Bautista.

Ang deadline para sa tax payments na walang penalty, alinsunod sa Local Government Code, ay hanggang January 20.