Saturday, February 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Mayor Rex impressed by Duterte’s peace and order efforts

Nagsimula nang magbunga ang ‘peace and order’ effort ni Pangulong Rodrigo Duterte, anim na buwan mula nang maluklok ito sa Palasyo, ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Kaya namang hindi nakapagtakang malaki na ang nabago sa komunidad kung saan naging ligtas at tahimik na diumano ito kumpara noon.

“Of course yung extra judicial killings hindi maganda yun. I don’t like that also. Pero itong peace and order effort is starting to bear truth,” sabi ni Gatchalian.

Dahil aniya sa pinaigting na ‘war on drugs’ at anti-criminality ni Duterte, nagresulta din aniya ito pagkakaroon ng ‘sense of discipline’ ng mga tao.

“Merong sense of discipline, so to speak, na kailangan umuwi nang maaga kasi kundi hindi baka mapahamak pa tayo. In a way, mas nagigign mas tahimik yung mga community natin,” sabi ng alkalde.
“Definitely the ground is shifting. Nagbago siya parang 180 degrees in a span of six months,” saad pa nito.

Kailangan lang aniyang i-institutionalize ito ng Philippine National Police (PNP) at iba pang peace and order agencies ang programang ito para magtuloy-tuloy at mapakinabangan ng tao.”

“Ano dapat gawin? If the adminsitration is doing well in the peace and order effort, they can have to institutiohalize it,” ani Gatchalian na nasa ikalawang termino bilang mayor ng Valenzuela City.

“Hindi pwedeng nakadikit lang sa isang individual kundi kailangan maging bahagi ng standard operating procedure ng PNP at ng peace and order agencies para tuloy tuloy ito,” dagdag pa nito.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.