Thursday, July 20, 2017
politiko-politics-ph-logo

Duterte appoints Mayor Bautista as peace and order chair

Dagdag trabaho kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Itinalaga kasi siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chair ng Regional Peace and Order Council sa National Capital Region.

Si Interior and Local Government (DILG) Sercretary Ismael Sueno ang nagrekomenda kay Bautista sa Pangulo para sa nasabing posisyon.

Sinabi naman ni Bautista na palalawakin niya ang membership ng RPOC-NCR para matugunan ang ‘concerns’ ng Metro Manila sa usapin ng national security at peace and order.
Inatasan na niya ang RPOC secretariat para magsagawa ng serye ng pagpupulong sa public at private sectors na kumakatawan sa telecommunications, transport, business, tourism, anti-crime group at iba pa.

Nakatakda rin siyang makipag-meeting sa mga Metro Manila mayors at chiefs of police sa iba’t ibang police districts sa Kamaynilaan.

Sabi ni Bautista, lahat ng ‘outputs’ mula pagpupulong na ito ay ilalatag niya kay Pangulong Duterte.

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.