Thursday, September 21, 2017
politiko-politics-ph-logo

MMDA traffic constables to wear Marikina-made shoes

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bumili ng mga sapatos na gawang Marikina na gagamitin ng kanilang mga traffic enforcers.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, nagpasabi na sa kanya si MMDA chairman Tim Orbos na mag-o-order sila ng libong piraso ng mga sapatos na gawa sa kanilang lungsod.

Ginagarantiya naman ng alkalde na subok na matibay at de-kalidad ang sapatos na gawang Marikina.

Matatandaan na si Pangulong Duterte ang nanatiling ‘biggest shoe endorser’ ng lungsod matapos na magsuot ng Marikina-made shoes na gawa ni Rolando “Mang Olly” de Guzman-Santos.

Si Mang Olly ang sapatero na nagbigay kay Duterte ng sapatos na kanyang isinuot sa pulong nila ni United States Secretary of State John Kerry.

Para muling mabuhay ang shoe industry sa lungsod, hinikayat naman ni Teodoro ang mga senior high school (Grades 11 and 12) na kumuha ng kursong shomekaing sa ilalim ng technical vocational track.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.