Monday, July 24, 2017
politiko-politics-ph-logo

Bawal kayo diyan! Provincial buses banned on EDSA, says MMDA

Simula ngayong araw, Dec. 15, bawal nang bumiyahe ang mga provincial buses sa kahabaan ng EDSA tuwing weekdays para mabawasan ang inaasahang lalo pang pagsisikip ng trapiko ngayong holiday season.

Sa memorandum circular na ipinalabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi papayagan ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA-Timog Avenue patungo sa EDSA-P. Tuazon Boulverad mula 6 a.m. hanggang 10 a.m.

Maaring gumamit ang mga buses ng alternate routes na ibibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para hindi mahirapan ang kanilang mga pasahero.

Ang traffic scheme ay ipapatupad hanggang Dec. 31.

Ayon kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos, kanilang rerebyuhin ang programa matapos ang Pasko para matukoy kung kailangang ipagpatuloy pa ito o hindi.

Nakipagdayalogo na MMDA sa mga bus operators bago ipinatupad ang bagong traffic scheme.

Sinumang lalabag na bus drivers ay pagmumultahin ng P300 at papatawan nang paglabag sa obstruction at disregarding rules sa ilalim ng MMDA Resolution No. 16-06.

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.