Tuesday, January 23, 2018
politiko-politics-ph-logo

Manila’s anti-drug program needed to rid Metro Manila of illegal drugs – NCRPO chief

Nagpahayag ng suporta si National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Oscar Albayalde sa anti-drug education program na Drug Abuse Resistance Education (DARE) na pinatutupad ngayon sa Maynila ni Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ayon kay Albayalde, malaki ang naitutulong ng DARE sa kampanya ng pamahalaan na sugpuin na nang tuluyan ang iligal na droga sa bansa.

“Actually, more than 94 percent of barangays in NCR (National Capital Region) are drug-affected. So talagang I think kailangan na kailangan itong DARE program,” pagdidiin ni Albayalde.

Aniya, isa sa mga “best practices” ang DARE na maaaring gayahin ng ibang lokalidad sa buong bansa.

Bilang isang “drug demand reduction strategy”, pinalalakas aniya ng DARE ang law enforcement operations ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga personalidad at organisasyon na sangkot sa pagbebenta ng droga.

“Ang focus kasi natin dito, ang target natin dito ‘yung mga kabataan. Grade 5 and 6 students, as early as that age ay ini-educate natin on the ill-effects of drugs. So most probably, hindi natin makita ngayon ‘yung epekto ngayon dito pero sa next generation makikita natin ang epekto dito na talagang bababa ang demand on illegal drugs,” paliwanag ng hepe ng NCRPO.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng 72 pulis at sundalo na sumailalim sa 80-oras na DARE Officers Training (DOT) course sa Manila Pavilion nitong isang linggo, sinabi ni Estrada na ito na ang tamang panahon upang gumawa ng aksyon para sa masawata ang droga sa bansa.
Ayon kay Estrada, malaking tulong ang DARE upang palakasin ang kampanya ni Pangulong Duterte kontra droga.

“The goal of the President’s war on drugs is to go after the source of the supply; to drastically reduce the supply of drugs and eventually eradicate it,” pagdidiin ni Estrada. “This goal is beyond question. In fact, it is about time that decisive action is being done.”

Politiko would love to hear your views on this...
Recommended Articles

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.