Thursday, July 20, 2017
politiko-politics-ph-logo

Partylist Coalition seals support for Duterte admin, Alvarez speakership

Sinelyuhan na ng mga Partylist Congressmen ang kanilang suporta sa incoming Duterte administration at speakership incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Ito ay sa pamamagitan ng paglagda sa covenant of support, na inisyatibo ng Partylist Coalituon Inc. at na personal na dinaluhan ni Alvarez

Nasa 35 Partylist Congressmen, sa pangunguna 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, ang lumagda sa covenant of support.

Ang mga partylist na nagpahayag ng suporta sa coalition for change ni Alvarez ay ang: 1-Pacman, 1-CARE, AANGAT TAYO, ABS, AGBIAG, AMIN, A-TEACHER, BUTIL, KABAYAN, MANILA TEACHERS, TUCP, AKO BICOL, at 1-SAGIP.

Kasama na rin ang iba pang partylist kabilang ang AASENSO, ACTS-OFW, AGRI, ANG KABUHAYAN, BH, CIBAC, KALINGA, MATA, YACAP, 1-ANG EDUKASYON, AAMBIS-OWWA, ABANG LINGKOD, AGAP, AKBAYAN, ANGKLA, BUHAY, COOP-NATCO, KUSUG TAUSUG at PBA.

Bukod dito ay nanumpa na rin ang hindi bababa sa anim na mga kongresista bilang bagong myembro ng PDP-Laban gaya nina Reps. Sandoval, Tolentino, Loyola, Suansing, Malapitan, at Crisologo.

Kasabay ng paghahayag ng suporta ng mga partylist representatives sa incoming Duterte administration, nagpasalamat si Alvarez sa mga mambabatas na piniling sumama sa coalition for change.

Ayon kay Alvarez, ang mga target na magaw ng administrasyon ni Duterte ay baguhin ang bansa, ibalik ang kaayusan, wakasan ang insurgency o rebellion, at ibalik ang kapayapaan.

Aniya pa, tiyak na kasunod ng pagbabago ay ang tuloy-tuloy na progreso ng bansa at ang magbebenepisyo dito ay ang sambayanang Pilipino.

unnamed

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.